_ngayon
^

Bansa

QC lilimitahan dami ng pwedeng bilhin vs 'panic buying' habang ECQ

Philstar.com
QC lilimitahan dami ng pwedeng bilhin vs 'panic buying' habang ECQ
Shoppers wearing face shields on top of their face masks browse through aisles for some food supply run at a supermarket in Mandaluyong City on August 23, 2020.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Para mapigilan ang pagbili ng sobra-sobra ng mga residente sa mga tindahan sa pagpapatupad ng pinakamahigpit na lockdown sa Metro Manila sa Biyernes, lilimitahan ng Quezon City ang pwedeng bilhin sa mga pamilihan.

Matatandaang ipapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto dahil na rin sa pagsipa ng COVID-19 cases at pagdami ng kaso ng mas nakahahawang Delta variant nito.

"We have to impose limits to avoid panic buying and hoarding that may lead to supply problems and could prevent other citizens from purchasing the needs of their families during the ECQ," ani QC Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag, Miyerkules.

"Mas mabuti na ngayon pa lang ay nakalatag na ang polisiyang ito upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat na makabili ng kanilang pangangailangan."

Narito ang limitasyong ipapataw kada taong bumibili ng pang-araw-araw na pangangailangan, alinsunod Ordinance No. SP-2948 S-2020:

  • sardinas, kada brand (5)
  • iba pang de lata gaya ng meat loaf o corned beef, kada brand (10)

Tiniyak naman ng alkalde na magiging sapat ang suplay ng pagkain sa QC habang hindi naman pipigilan ang delivery ng goods sa ilalim ng ECQ.

Sa ilalim ng ECQ, pagbabawalan ang paglabas ng bahay kung hindi ka:

  • lalabas para bumili ng pagkain/gamot
  • magpapabakuna laban sa COVID-19
  • magtratrabaho
  • gagawa ng iba pang essential travels

Magiging epektibo ang direktiba hatinggabi ng Biyernes, kasabay ng pagbabalik ng 8 p.m. hanggang 4 a.m. na curfew.

Ibabalik naman ang pag-oobliga ng mga "quarantine passes" na iiisyu ng baranggay, bagay na ibibigay sa isang tao kada bahay na sana'y fully-vaccinated na na walang company ID o Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ID.

Liquor ban ibabalik

Muli namang ipagbabawal ni Belmonte ang pagbebenta ng alak pati na rin ang operasyon ng mga serbisyo gaya ng mga pagupitan, nail spas, parlors at salons.

Dapat ding limitahan ng mga esensyal na negosyong indoor gaya ng mga supermarket, palengke atbp. ang kanyang kapasidad para matiyak na merong dalawang metrong layo ang mga customer mula sa isa't isa. Dapat din ay may sapat na ventillation para iwas sa hawaan ng COVID-19.

Papayagan naman ang lahat ng pampublikong transpomasyon, ngunit kinakailangang "one seat apart" ang mga mananakay. Isang pasahero lang din ang pwedeng sumakay sa mga tricycle (maliban na lang kung e-trike na may mas malaking kapasidad, pero dapat one seat apart pa rin).

Pagbabawalan ang home quarantine para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 at mga symptomatic na close contacts. Dapat silang ilipat agad sa ,mga ospital, HOPE community caring facilities, barangay isolation facilities at national government-accredited isolation hotels.

Pwede namang magdeklara ang city government ng mga "modified Special Concern Lockdown" bilang alternatibo kung magkakaubusan na ng quarantine capacity. Gagamitin itong pansamantalang quarantine facility bago iinspeksyon ng mga otoridad.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes, umabot na sa 1.6 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang 28,141 sa bilang na 'yan. — James Relativo

=====

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

DELTA VARIANT ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE JOY BELMONTE LOCKDOWN NOVEL CORONAVIRUS QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with