_ngayon
^

Bansa

Delta variant dahilan ng COVID-19 ‘surge’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Delta variant dahilan ng COVID-19 âsurgeâ
“Looking at our cases right now, it’s exponentially rising, so sa tingin po namin talaga Delta variant is driving the rise in the number of cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang beses na pagtanggi, inamin din kahapon ng Department of Health (DOH) na ang Delta variant ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga nakalipas na araw.

“Looking at our cases right now, it’s exponentially rising, so sa tingin po namin talaga Delta variant is driving the rise in the number of cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pero hindi rin isinantabi ni Vergeire na maaaring nakakadagdag din sa mga bagong kaso ang iba pang variants of concern gaya ng Alpha at Beta.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa rin makumpirma ng DOH kung nagkakaroon na nga ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

“Our whole genome sequencing cannot provide us that evidence yet that’s why we cannot officially pronounce, although as I’ve said, we now treat this as community transmission and we are acting towards that direction,” wika ni Vergeire.

Ngunit hindi na umano maiiwasan ang pagkakaroon ng ‘community transmission’ ng Delta variant dahil sa pagiging ‘high-transmissible’ nito o mas higit na mabilis na maipasa.

Iginiit din ng opisyal na makatutulong ang ipatutupad na istriktong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20 upang maiwasang lumobo ng hanggang 15,000 ang naitatalang daily cases ng COVID-19.

“If we are going to continue on and we will not have these kinds of res­trictions, we can reach up to 500,000 active cases by the end of September,” babala pa ni Vergeire.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with