_ngayon
^

Bansa

P13.1 bilyon magagastos sa ayuda sa NCR

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P13.1 bilyon magagastos sa ayuda sa NCR
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kukunin ang salapi sa savings ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Aabot sa P13.1 bilyon ang gagastusin ng gobyerno para sa 1,000 per person at 4,000 maximum per family na ayuda ng mga low income earners sa Metro Manila sa sandaling magsimula na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 6.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kukunin ang salapi sa savings ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Paliwanag ni Roque na nakasaad sa Administrative Order #41 ni Pangulong Duterte noong May 12, 2021 ang paggamit ng mga savings na idineklara ng mga departmento at ahensiya ng gobyerno.

Ang P13.1 bilyon aniya ay ipamamahagi sa 10.7 milyon residente ng Metro Manila.

Kung mayroon pang ibang kinakailangan na financial assistance dahil sa ECQ ay kukunin naman sa tinatawag na mga windfall na nakolekta ng Bureau of Treasury.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with