_ngayon
^

Bansa

Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna
Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.

Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.

Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Samantala, hindi rin muna magpuputol ang Meralco ng linya ng kuryente sa NCR simula Agosto 6-20 dahil sa nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.

Umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na maki­pag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.

Tuloy naman ang meter reading at bill delivery activities ng Meralco.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with