_ngayon
^

Bansa

Pekeng PDP-Laban memo pinaiimbestigahan ni Pacquiao

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng PDP-Laban memo pinaiimbestigahan ni Pacquiao
Ang pekeng dokumento ay naglalaman umano ng “confidential plan” ng direktiba umano ni Senator Manny Pacquiao kay PDP-Laban Legal Affairs at Arbitration Committee Chair Alberto Oxales na magdeklara ng agaran at otomatikong pagpapatalsik kay Party Vice-Chairman Alfonso Cusi at kaniyang mga kasamahan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dumulog si Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy at mahuli ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa social media ng pekeng PDP-Laban Resolution na gumamit ng pekeng lagda ng senador at naglalayong dungisan ang reputasyon nito.

Sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison, inihain ni Pacquiao sa PNP Anti-Cybercrime Group ang reklamo para imbestigahan ang pinagmulan ng pekeng dokumento at mga responsable sa pagpapakalat nito. Kabilang sa mga tinukoy bilang initial subjects ng imbestigasyon ay sina National Transmission Corporation (NTC) President Melvin Matibag, Astra Naik, former Press Secretary Bobi Tiglao, Trixie Cruz-Angeles na sinuspindeng abogado ng Supreme Court ng tatlong taon noong August 2016 at isang nagngangalang Ahmed Paglinawan.

Ang pekeng dokumento ay naglalaman umano ng “confidential plan” ng direktiba umano ni Pacquiao kay PDP-Laban Legal Affairs at Arbitration Committee Chair Alberto Oxales na magdeklara ng agaran at otomatikong pagpapatalsik kay Party Vice-Chairman Alfonso Cusi at kaniyang mga kasamahan.

Ang naturang dokumento ay mga petsa nitong Hun­yo 8, 2021 upang maipakitang nauna ito sa inilabas na lehitimong PDP-Laban Resolution noong Hunyo 9, na nag-aalis sa partido kina Cusi, Matibag at Naik.

Agad nilinaw ni Ron Munsayac Executive Director ng PDP-Laban at National Executive Committee na peke ang dokumento at iginiit na isa lamang itong pagtatangka ng ilang grupo na magpakalat ng “fake news” sa pamamagitan ng “fake o forged documents.”

Ayon kay Cuison, ang imbestigasyon ay isang paghahanda sa pagsampa ng Cyber libel.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with