Jobless Pinoys, lumobo sa 3.76 milyon noong Hunyo
MANILA, Philippines — Sumipa sa 3.76 million ang bilang ng mga Pinoy noong Hunyo, mas mataas sa 3.73 milyong jobless noong May 2021, batay sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, ang unemployment rate sa bansa ay nananatiling 7.7%, ikalawang pinakamababa mula noong April 2020 makaraang maitala ang 7.1% noong March 2021.
Tumama ang pinakamataas na pagkawala ng trabaho ng mga Pinoy sa accommodation at food service activities; public administration at defense, compulsory social security; transportation at storage; financial at insurance activities.
Tumaas din ang underemployment noong Hunyo sa 6.41M mula sa 5.49M noong Mayo.
- Latest