_ngayon
^

Bansa

9 na patay sa Delta variant sa Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na pasyente na ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang nasawi.

Sa kabuuang 216 ng Delta variant cases sa bansa, may 17 active at 15 dito ay local cases habang 2 ang returning overseas Filipino.

Ang 165 dito ay local cases, 48 ay ROF habang bineberipika naman ang 3 pa.

Sa kabila nito, sinabi ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire na hindi pa masasabing nagkaroon na ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Vergeire ang report ng Center for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos na ang Delta variant ay maihahalintulad sa bulutong sa bilis nitong makahawa.

Ang Delta variant ani­ya ay may karagdagang 1,000 viral load kumpara sa normal na COVID-19 kaya mas mabilis itong makahawa.

Kung dati aniya ay 15 minuto bago maaaring mahawa ang isang close contact, sa Delta variant ay segundo lamang.

 

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with