_ngayon
^

Bansa

9.1 milyong Pinoy bakunado na - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 9.1 milyong Pinoy ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling vaccine bulletin na inilabas ng DOH, hanggang Agosto 1 ay nasa 20,863,544 doses ang nai-administer sa bansa may limang buwan nang simulan ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas noong Marso.

Sa nasabing bilang, 11,747,581 ang nakatanggap ng first dose na kinabibilangan ng 1,995,926 frontline health workers (A1 category); 2,884,325 senior citizens (A2 category); 3,770,784 persons with comorbidities (A3 category); 2,623,263 essential workers (A4 category) at 473,283 indigents (A5 category).

Habang 9,115,963 ang fully vaccinated kung saan 1,571,843 (A1); 2,616,273 (A2); 3,327,621 (A3); 1,295,610 (A4); at 304,616 (A5).

Ayon pa sa DOH, nakakapagbakuna ang bansa ng average na 523,018 doses kada araw nitong nakalipas na linggo, mas mataas sa target na 500,000 jabs lamang kada araw.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with