_ngayon
^

Bansa

Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.

Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Aniya, maaaring maka-avail ng libreng pasahe sa naturang rail lines ang isang APOR kahit nakakaisang dose pa lamang ito ng COVID-19 vaccine.

Upang maka-avail ng libreng pasahe, kinakaila­ngan lamang aniya na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

Samantala, magkakaloob naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan.

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with