_ngayon
^

Bansa

P1K pension hike sa seniors lusot na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang itaas sa P1,000 ang social pension ng mga indigent senior citizens sa bansa.

Sa botong 225 pabor at walang tumutol ay tuluyang napagtibay ang House Bill 9459  o ang An Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens na nag-aamyenda sa Republic Act No. 7432 o Senior Citizens Act.

“Now, our senior citizens just have to prove that they do not have a permanent source of income. This will make it easier for senior citizens to avail of the social pension and eliminate one of the causes of corruption on the ground in its disbursement,” pahayag n Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, Chairman ng House special committee on senior citizens affairs.

Batay sa listahan ng DSWD mahigit na tatlong milyong mga indigent senior citizens ang nakakatanggap na ng social pension at madaragdagan ang kanilang tinatanggap mula sa ating gobyerno, na pandagdag sa kanilang pangunahing pangangailangan katulad ng maintenance sa gamot at pangkain sa araw-araw, ayon kay Ordanes.

 

SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with