_ngayon
^

Bansa

Mangutang muna, tiyak naman ang ayuda - Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Malacañang ang mga mamamayan na kailangang maghanda sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Me­tro Manila at mangutang na muna kung walang makain dahil tiyak naman na may darating na ayuda.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isa siya sa mga nagsabi na hindi dapat aga­rang ipatupad ang ECQ at dapat bigyan ng palugit na isang linggo ang mga mamamayan upang bumili ng mga pangangailangan.

Maging ang gobyerno ay dapat mabigyan ng pagkakataon na paghandaan ang pamimigay ng ayuda dahil marami ang magugutom.

Sabi ni Roque na sinigurado naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magpapatupad ng lockdown kung walang ayuda.

Kinumpirma rin ni Ro­que na tiyak na ang P1,000 ayuda sa bawat miyembro ng pamilya o hanggang P4,000 kada pamilya para sa Cagayan de Oro, Ilo­ilo province at Iloilo City na nasa ilalim na ng ECQ.

Ang hindi lang aniya tiyak ay kung saan kukunin ang pondo pero nagpapahanap na ng pera ang Pangulo na kasama sa tinalakay kahapon ng Department of Budget.

 

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with