_ngayon
^

Bansa

Patay sa COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 28,093; kaso lagpas 1.6-M na

Philstar.com
Patay sa COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 28,093; kaso lagpas 1.6-M na
Traffic building up on Marcos Highway on Monday morning, Aug. 2, 2021 as new police-manned quarantine control points are set up on boundaries around Metro Manila.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,167 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya't nasa 1.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,605,762
  • Nagpapagaling pa: 62,615, o 3.9% ng total infections
  • Kagagaling lang: 9,095, dahilan para maging 1,515,054 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 77, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 28,093

May ECQ ayuda, pero saan kukunin?

  • Bagama't pinaiigting ngayon ang kampanya sa pagbabakuna laban sa COVID-19, idiniin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pagbabawalan ang "walk-in" vaccinations sa Metro Manila oras na isailalim ito sa enhanced community quarantine sa Biyernes para maiwasan ang kumpulan at hawaan ng virus.

  • Kaugnay pa rin ng napipintong ECQ sa Kamaynilaan, ibabalik ang 8 p.m. hanggang 4 a.m. na curfew simula ika-6 ng Agosto, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos.

  • Sigurado naman nang makaukuha ng P1,000 ayuda ang mga residenteng maaapektuhan ng ECQ sa Metro Manila, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Ang problema, hindi pa nila alam kung saan nila kukunin ang pondo rito.

  • Kinumpirma naman kanina ni Vergeire na pwede nang magpabakuna sa Metro Manila kahit ang mga hindi kasali sa "priority list" ngayong nalalapit na ang ECQ. Gayunpaman, depende pa raw ito kung sapat ang suplay. Mas uunahin pa rin daw turukan ang mga nasa bulnerableng sektor na nasa priority list kung nagkataon.

  • Umabot na sa 196.55 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.2 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DELTA VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with