_ngayon
^

Bansa

NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR may âcommunity transmissionâ na ng Delta variant
Sa labas na lang ng Baclaran church nakinig ng misa ang mga deboto kahapon matapos ipatigil ng Simbahang Katoliko ang physical masses habang nasa GCQ with heightened restriction” ang National Capital Region. Sa Agosto 6-20 naman ay isasailalim na ito sa ECQ.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta va­riant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research.

“We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung nakita nating Delta variant cases, tumataas na sa 25 percent. Dati, nasa 15 percent,” ayon kay OCTA fellow Prof. Guido David.

Base dito, maaaring may 300 bagong kaso ng Delta variant na sumusulpot na kada araw sa NCR.

“Kung 300 cases per day, masasabi natin talagang merong community transmission. In the interest of safety, kahit wala pang confirmation na community transmission, it’s better to assume na merong community transmission para magdoble ingat tayo,” katwiran naman ni David sa kanilang pagpapalabas ng babala sa publiko.

Sa pinakahuling datos ng DOH noong nakaraang Miyerkules, nasa 216 kaso na ng Delta variant ang natukoy sa bansa at 16 na lamang ang aktibo, walo ang nasawi at 192 ang ganap na nakarekober.

Idinagdag pa ni David na ang Delta variant na ang huling balakid na kailangang lusutan ng Pilipinas ngayong taon. Kapag mas marami na ang nabakunahan at nalagpasan ang Delta variant, inaasahan ang mas masayang mga buwan na darating matapos nito.

COVID-19 VARIANT OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with