_ngayon
^

Bansa

Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ
Members of the Manila Police District assist individuals waiting in line for their second dose of Moderna COVID-19 vaccine at the San Andres Sports Complex in Manila on Thursday, July 29, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Tuloy lang ang ‘vaccination drive’ ng pamahalaan kahit nasa ilalim ng enhanced community qua­rantine (ECQ) ang Metro Manila at ibang lugar upang tuluyang malabanan ang COVID-19 at ang mas mapanganib na Delta variant.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumubuo na sila ng panuntunan para sa sistema ng pagpapabakuna sa mga lugar na maisasailalim sa ECQ mula Agosto 6-20.

Kasunod nito, itataas pa umano ng pamahalaan ang bilang ng dapat na mabakunahan habang nasa ECQ ang Metro Manila para magkaroon na ng proteksyon ang taumbayan sa coronavirus.

Sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na magtatabi sila ng nasa apat na milyong dose ng bakuna para sa NCR.

Inaasahan na aakyat sa 250,000 indibiduwal ang mababakunahan kada araw kung maihahatid agad ang mga bakuna.

COVID-19 VARIANT ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with