_ngayon
^

Bansa

Kapakanan ng urban poor isusulong sa national budget, Bayanihan 3

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kapakanan ng urban poor isusulong sa national budget, Bayanihan 3
Kamakailan lang, hi­ningi ng ilang grupo ng maralitang tagalungsod kay Pangilinan na tiya­king hindi mapag-iiwanan ang kanilang hanay sa panukalang Bayanihan 3 na inihain sa Senado.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nangako si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na isusulong ang kapa­kanan at mga karapatan ng sektor ng maralitang tagalungsod o urban poor sa pagbuo ng national budget para sa taong 2022 at panukalang Ba­yanihan 3.

Kamakailan lang, hi­ningi ng ilang grupo ng maralitang tagalungsod kay Pangilinan na tiya­king hindi mapag-iiwanan ang kanilang hanay sa panukalang Bayanihan 3 na inihain sa Senado.

Isa sa mga hiniling nila na siguruhing regular ang update sa master list of Social Amelioration Program (SAP) beneficiaries ng mga lokal na pamahalaan upang matiyak na kasama lahat ng kuwalipikadong pamilya.

Nakatakdang maki­pagpulong si Pangilinan sa iba’t ibang urban poor groups ngayong linggo upang personal na pa­kinggan ang iba pa nilang suliranin at isyu na nais ipaabot sa gobyerno.

Kabilang sa agenda ng pulong ang pagbibigay ng sapat na ayuda sa kanilang hanay ngayong pandemya, pagkakaroon ng moratorium sa demolisyon, pamamahagi ng libre sa socialized hou­sing ng gobyerno, pondo para sa pabahay, on-site at in-city relocation, at kaligtasan tuwing may kalamidad.

BAYANIHAN NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with