_ngayon
^

Bansa

Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo ang Department of Budget and Management at ang Office of the President sa kanilang tanggapan para sa mga mawawalan ng trabaho.
Freeman/File

Hingi ng DOLE

MANILA, Philippines — Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Office of the President sa kanilang tanggapan para sa mga mawawalan ng trabaho.

“Mas mabuti sanang dagdagan nila kasi we have to be very ready for any eventuality kung talagang matindi ang epekto nitong ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ng kalihim.

Sinabi niya na pinag-uusapan na ng DOLE, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Social Welfare (DSWD) kung anong uri ng tulong ang ibibigay sa mga apek­tadong manggagawa.

“Hindi lamang 15 days na mawawalan ng trabaho ’yung ating mga kababayang manggagawa, kundi simula rin ngayon... Ang kasunod niyan, gutom ang katumbas sa mga manggagawa natin,” giit pa ng kalihim.

Sa kasalukuyan, maaari pa ring maka-avail ang mga formal workers ng isang beses na cash assistance na P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP), habang ang mga informal workers ay binibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD na may suweldo na katumbas ng ‘minimum wage’.

DOLE ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with