_ngayon
^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa NCR aakyat sa 30K

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 sa NCR aakyat sa 30K
Sa datos ng DOH COVID-19 tracker nitong Hulyo 30, ang bilang ng active cases sa Metro Manila ay nasa 12,108 mula sa kabuuang 552,209 kaso. Sa nasabing bilang, 531,802 ang nakarekober na at 8,299 ang namatay.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Posibleng umakyat sa mahigit 30,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 kahit umiiral ang heightened restrictions at pagbabalik ng hard lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado base sa projections mula sa DOH-Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler (FASSSTER) at Autumn groups.

“Dito po sa mga scenario nakakita po ng increase in the number of active cases from 18,000 to 30,000 plus cases. ‘Yan ay naka-ECQ na po tayo,” ani Vergeire.

Sa datos ng DOH COVID-19 tracker nitong Hulyo 30, ang bilang ng active cases sa Metro Manila ay nasa 12,108 mula sa kabuuang 552,209 kaso. Sa nasabing bilang, 531,802 ang nakarekober na at 8,299 ang namatay.

Ibinase aniya ang projections sa dala­wang scenario. Ang NCR na kasalukuyang nasa isang linggong general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, sinundan ng 3 linggong ECQ at isang apat na linggong ECQ.

Gamit ang projec­tions, ang mga nasabing lockdown ay makatutulong para mapaghandaan ang health system subalit hindi nito makokontrol ang pagkalat ng virus.

“Kailangan iprepara ang system, gawin natin ang mga dapat gawin para ma-prevent ang further spread ng Delta variant, ani Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Sa kabila naman ng banta ng Delta variant, hindi pa rin maideklara ng DOH na mayroon nang nagaganap na community transmission dahil ang genome-sequenced cases ay paisa-isang nag-uugnay sa isat-isa.

“The assumption will be is Delta variant is part of those factors that we are now considering when it comes to the increasing number of cases.” Paliwanag ni Vergeire.

Inaasahan na ang hard lockdown o ECQ pagsapit ng Agosto 6 hanggang Agosto 20, kasunod ng nararanasang general community quarantine hanggang Agosto 5, 2021.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with