_ngayon
^

Bansa

1 lang sa pamilya ang papayagang lumabas sa ECQ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1 lang sa pamilya ang  papayagang lumabas sa ECQ
“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang haha­yaang lumabas para makakuha ng pangangaila­ngan sa kanilang mga bahay (At the start of ECQ, maybe one person will be allowed to leave their homes to buy essentials),” ani NTF against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi pa man inilalabas ang guidelines para sa paiiraling dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, tiniyak ng National task Force against COVID-19 na asahan na isa lang sa miyembro ng pamilya ang papahintulutang lumabas para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang haha­yaang lumabas para makakuha ng pangangaila­ngan sa kanilang mga bahay (At the start of ECQ, maybe one person will be allowed to leave their homes to buy essentials),” ani NTF against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.

“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” ani Padilla.

Tiniyak niya na ilalabas ang guidelines kaugnay sa cash aid, public transportation, at paggalaw ng mga tao sa panahon ng 2 linggong hard lockdown bago magsimula ang ECQ.

Papayagan lamang sa ilalim ng ECQ ang essential trips at services, habang ang GCQ with heightened restrictions at additional restrictions protocol ay tinanggal na ang indoor at al fresco dining kaya’t maari na lamang ang take-out.

Una nang pinakinggan ng IATF ang naging rekomendasyon ng Metro Manila Council para sa mas mahigpit na quarantine status sa NCR.

Related video:

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with