_ngayon
^

Bansa

P1K ayuda sa ECQ tiniyak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P1K ayuda sa ECQ tiniyak
Naunang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maximum na P4,000 ang posibleng matanggap ng isang pamilya na may mahigit apat na miyembro.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Posibleng sundin sa Metro Manila ang pagbibigay ng P1,000 ayuda sa bawat residente ng mga lugar na inilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na maaari lamang magbago ang cash aid template na P1,000 bawat indibiduwal kung babaguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naunang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maximum na P4,000 ang posibleng matanggap ng isang pamilya na may mahigit apat na miyembro.

Isasailalim sa ECQ ang Metro Manila simula Agosto 6-20, 2021.

Nauna ng sinabi ng Malacañang na ipinag-utos ni Duterte sa Department of Budget and Management na maghanap ng pondo para sa ayuda ng mga nasa Metro Manila.

Tiniyak na rin aniya ni Budget Secretary Wendel Avisado na maghahanap sila ng pondo para sa ayuda.

 

Related video:

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with