_ngayon
^

Bansa

2 pang pulis patay sa COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 pang pulis patay sa COVID-19
Base sa rekord ng PNP Health Service, nasawi si PNP patient 83, 51-anyos na Police Lieutenant na nakatalaga sa Tuguegarao City. Noong Hulyo 23 ang nasabing biktima ay nagtungo sa klinika para kumonsulta sa lagnat nito, pana­nakit ng katawan at sore throat.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 84 pulis ang naitalang nasawi sa COVID-19 matapos na dalawa pa ang madagdag sa talaan ng Philippine National Police (PNP).

Base sa rekord ng PNP Health Service, nasawi si PNP patient 83, 51-anyos na Police Lieutenant na nakatalaga sa Tuguegarao City. Noong Hulyo 23 ang nasabing biktima ay nagtungo sa klinika para kumonsulta sa lagnat nito, pana­nakit ng katawan at sore throat.

Nang sumailalim ito sa RT-PCR test ay dito na lumitaw na positibo ito sa COVID-19 noong Hulyo 25 at nag-qua­rantine.

Noong Hulyo 30 ay lumala ang kondisyon ng nasabing parak at bandang alas-4 ng madaling araw ay tuluyan na itong binawian ng buhay.

Samantala ang isa pa na si PNP patient 84, 42-anyos ay may ranggong Staff Sergeat na nakatalaga naman sa Camp Crame. Isinugod ito sa ospital noong Hulyo 6 dahil sa sakit sa bato kung saan noong una ay negatibo ang resulta ng COVID test.

Nang muli itong isailalim noong Hulyo 13 sa RT-PCR test ay positibo ang resulta kaya inilipat ito sa COVID ward ng ospital. Pero nitong Hul­yo 29 ay dumaing ito na nahihirapang hu­minga kaya na-intubate hanggang sa bawian ng buhay.

Sa kasalukuyan, 30,434 na ang kabuuang kaso ng COVID sa PNP, 1,144 ang aktibo habang 29,206 na ang nakarekober.

Naitala naman sa 43,532 o 19.6% ng PNP personnel ang fully vaccinated na laban sa virus  habang 48,993 pulis ang tumanggap na ng first dose.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with