_ngayon
^

Bansa

Bakuna sa drivers, transport workers inilarga ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr) ng vaccination drive laban sa COVID-19 para sa mga driver at mga transport workers sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon.

Mismong si DOTr Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa naturang pagbabakuna na layuning maproteksiyunan ang mga bayaning tsuper laban sa virus at hindi maihawa ito sa kanilang mga pasahero.

Sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Office Transportation Cooperatives (OTC) at Local Government Unit ng Parañaque, nasa 1,000 transport workers ang na­bigyan ng schedule para sa first dose kontra COVID-19 nitong Sabado.

Magtutuluy-tuloy umano ang naturang programa sa mga susunod na araw hanggang sa mabakunahan ang target na 5,000 tsuper at transport workers.

Hahati-hatiin sa 1,000 kada araw ang pagbabakuna.

Ang natitirang 4,000 slots pa ay mabibigyan ng schedule para sa mga susunod vaccination sa lugar, kasabay nito ang pagsunod sa safety and health protocols sa loob ng vaccination area, at paninigurong  hindi makakasagabal sa operasyon ng PITX at pasaherong publiko.

Anang DOTr, layunin ng programang ito na ilapit ang vaccination centers sa mga tsuper at iba pang transport workers upang masigurong sila ay ligtas at protektado laban sa COVID-19.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with