_ngayon
^

Bansa

ECQ, pampabagal sa pagkalat ng Delta variant - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para mapabagal at mas mapaghandaan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na ang mas mabagsik na Delta variant kaya isasailalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit na community qua­rantine qualifications, ayon sa Department of Health.

“We can delay the spread and we can be able to better prepare,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado.

Nagpasiya na aniya ang IATF na isailalim ang NCR sa enhanced community quarantine (ECQ) matapos makita ang mga posibleng scenarios sa mga darating na mga linggo. Gayunman, iginiit ni Vergeire na hindi pa ito ikinokonsiderang ‘surge’

“Hindi pa natin nakikita ang large increase sa ngayon pero nakikita natin unti-unti nang tumataas ang mga kaso. It’s kind of anticipatory because of the projections na in a couple of weeks may ganitong numero na ipinakita ang ating eksperto na maaring mangyari kaya ating gusto nang isara to delay the spread,” aniya.

Sa Agosto 6-20 ang pagpapairal ng ECQ sa Metro Manila, na sa kasalukuyan ay nasa general community quarantine pa hanggang sa Agosto 5.

Nilinaw din ng opisyal na ang pinangangambahang pagkalat ng virus ay hindi lamang sa Delta variant, kundi sa iba pang strains ng COVID-19 kabilang ang Alpha at Beta na nasa bansa na rin ngayon.

Aniya, nasa 216 na ang kaso ng Delta variant sa bansa.

Gayunpaman, wala pa rin aniyang sapat na ebidensiyang magsasabi na ang Delta variant ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Dagdag pa niya, nagdagdag na rin ng kapasidad ang mga ospital upang makatanggap ng mas ma­raming pasyente ng COVID-19 subalit marami sa mga ito ang nasa ‘high risk’ na at marami nang mga nakabinbing admission ng mga pasyente sa mga emergency rooms ng ilang pagamutan sa Metro Manila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with