_ngayon
^

Bansa

Pagpapairal ulit sa ECQ sa Metro Manila inangalan ng transport groups

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang anila’y panibagong Lockdown o Enhanced Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan sa Metro Manila dahil magdudulot na naman umano ito ng mas matinding hirap ng kabuhayan sa maraming driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan.

Ayon sa Piston, libu-libong driver ang hindi pa naka­babalik-pasada dahil sa patuloy na pagpigil ng LTFRB sa operasyon ng mga jeepney sa mga ruta, pagkakait ng QR Code, at kawalan ng sapat na pondo para ipakumpuni ang mga jeepney na matagal na natengga dahil sa mahabang lockdown.

Anila, ang mga nakabalik-pasada naman ay hirap pa dahil sa limitadong bilang ng mga pasahero na may trabaho at kabuhayan, kahit ibinaba na nga ang boundary sa mga operator.

Binigyang diin ng Piston na hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan ng pamahalaan ang matagal nang panawagan para sa masugid na Contact-Tracing, libreng Quarantine, at Pagpapagamot, at sa mas mabilis na roll-out ng pagpapabakuna.

Binigyang diin ng Piston na ang panibagong ECQ implementation ay magpapalala sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Kinondena rin ng grupo ang nagdaang 8 linggo na tuluy-tuloy na nagtaas ang presyo ng langis habang tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Marami pa rin anila sa mga driver ang walang natanggap na ayuda mula dahil hindi kasama sa listahan ng DSWD.

PISTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with