_ngayon
^

Bansa

Lockdown sa Metro Manila simula August 6-20

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lockdown sa Metro Manila simula August 6-20
A police officer mans a checkpoint on Tabigo Street at Barangay Commonwealth in Quezon City on Thursday, July 29, 2021. The area is on lockdown after several residents were tested positive for COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipatutupad ang pinakamahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula Agosto 6-20, 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naging madali ang desisyon at maraming oras ang ginugol para pagdebatehan ito dahil ikinonsidera ang pagpapabagal ng pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 at karapatan ng mga mamamayan na mabuhay at mabawasan ang mga nagugutom.

Sinabi rin ni Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa general community quarantine na may heightened restrictions ang Metro Manila simula kahapon, Hulyo 30 hanggang Agosto 5, 2021.

Anya, masakit na desisyon ang paglalagay sa Metro Manila sa ECQ na magsisimula sa Agosto 6 pero kailangan aniya itong gawin upang maiwasan ang kakulangan ng mga ICU beds at iba pang kagamitan sa ospital kung hindi mapapabagal ang pagkalat ng Delta variant.

Sa huli aniya ay inisip ang pagliligtas ng mas maraming buhay.

Dahil dito, ipagbaba­wal muli ang indoor dine-in services at al fresco dining, pero pinayagan ang personal care services tulad ng beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas hanggang 30 percent ng venue o seating capacity.

Ang indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions at specialized markets ng Department of Tourism ay hindi rin muna puwedeng mag-operate.

Pinapayagan ang outdoor tourist attractions hanggang 30 porsiyento ng venue capacity.

Ang pinapayagan lamang na bumiyahe sa labas at loob ng National Capital Region plus areas kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay ang APOR o Authorized Persons Outside their Residences.

Ipinagbabawal din ang mass gathering at virtual religious gatherings lang ang puwede.

Ang lamay at libing ng mga namatay na ang dahilan ay hindi COVID-19 ay pinapayagan pero para sa immediate family members lamang.

Samantala ang Gi­ngoog City, Iloilo City, iloilo Province at Cagayan de Oro City ay mananatiling ECQ simula Agosto 1-7.

Nadagdag naman ang Cebu City at Cebu Pro­vince sa mga lugar na nasa MECQ simula Agosto 1-15 pero puwedeng iapela ng mga local government units.

 

 

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with