_ngayon
^

Bansa

Travel ban sa 10 bansa pinalawig

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Travel ban sa 10 bansa pinalawig
This undated image shows travelers walking in an airport.
Pixabay/Skitterphoto

MANILA, Philippines — Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel restrictions sa 10 bansa simula Agosto 1-15, 2021.

Kinabibilangan ito ng India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand.

Layunin ng travel res­trictions na huwag nang madagdagan pa ang bilang ng may Delta variant sa bansa.

Naglabas naman ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng bagong listahan ng green countries na ikinokonsiderang low risk sa COVID kabilang ang Albania, Kosovo, Hong Kong, Laos, Hungary, New Zealand, China, Australia, Brunei at iba pa.

Ang mga fully vaccinated Pinoy travelers mula sa mga nabanggit na lugar ay sasailalim sa seven-day facility quarantine at COVID-19 test na gagawin sa ika-5 araw.

Inanunsiyo ito ni Roque matapos makapagtala ang Pilipinas ng 97 Delta variant cases nitong Huwebes.

Sa kasalukuyan ay 7.8 million Filipinos na ang fully vaccinated malayo pa sa target na 58 million population protection sa pagtatapos ng taon.

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with