Jobless, mahihirap dadami sa ECQ sa NCR
P105 bilyonh kita mawawala kada linggo - NEDA
MANILA, Philippines — Higit na dadami ang bilang ng mawawalan ng trabaho at maghihirap na mamamayan sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, mawawala rin ang may P105 bilyong kita kada linggo sa NCR sa panahon ng implementasyon ng ECQ.
Aabutin naman anya ng may 177,000 ang itataas na bilang ng mga mahihirap na mamamayan at aabutin ng 444,000 dagdag na bilang ng jobless.
Mula Agosto 6 hanggang 20, sasailalim sa strict ECQ ang NCR upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 Delta variant na higit na mabilis makahawa. — Malou Escudero
- Latest