_ngayon
^

Bansa

IATF kinalampag sa ayuda ‘pag nag-ECQ ang Metro Manila

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinalampag ni Sen. Grace Poe ang Inter-Agency Task Force (IATF) na mamahagi ng ayuda sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) lalo na sa mga mahihirap na apektado nito.

Ayon kay Poe, dapat ang lockdown ay nasa tamang oras at may katapat na cash aid at iba pang available assistance sa loob ng dalawang linggo.

Bagama’t mahusay naman umano ang ECQ para mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant at maprotektahan ang mamamayan ay dapat din may panangga ang mga Filipino sa gutom.

Hindi rin umano dapat bigyan ng gobyerno ng dahilan ang mamamayan na lumabas ng kani-kanilang bahay at harapin ang epekto ng mas nakakahawang virus kung walang ayuda.

Mahalaga rin umano na ipursige ang vaccination effort para samantalahin ng mga tao ang tsansa na magpabakuna na.

Dapat din umanong ilapit sa mga komunidad ang pagbabakuna para mabawasan na rin ang hirap at pagsubok sa mga Filipino na magpabakuna lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with