_ngayon
^

Bansa

Pondo sa ayuda hahanapin pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget department na maghanap ng pondo para sa ayuda ng mga residente ng Metro Manila na isasailalim sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6-20, 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapahanap na ng pondo ang Pangulo na posibleng kapareho rin nang ibinibigay sa iba pang lugar na nasa ECQ katulad ng Iloilo, Iloilo City, Gingoog City at Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Roque na P1,000 sa bawat miyembro ng pamilya ang ibibi­gay pero limitado sa apat na miyembro lamang.

Tiniyak na rin aniya ni Budget Secretary Wendel Avisado na maghahanap sila ng pondo para sa ayuda.

“Now, ang hinihingi ko lang talaga ay kumpirmasyon, pero nakausap ko naman po si Secretary Wendel Avisado at ang sabi niya sa akin, hahanapan at hahanapan natin iyan, dahil ang Presidente hindi pumapayag na mag-ECQ na walang ayuda sa mga mamamayan,” ani Roque.

Ipinaliwanag din ni Roque na sisimulan sa Agosto 6 ang ECQ para makapaghanda ang mga mamamayan sa Metro Manila.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with