_ngayon
^

Bansa

Unconditional dapat: P5,000 ayuda hirit ng manggagawa lalo na't ECQ next week

James Relativo - Philstar.com
Unconditional dapat: P5,000 ayuda hirit ng manggagawa lalo na't ECQ next week
Marlene Cenina, 39, sewer, works making Personal Protective Equipment (PPE) for frontliners, in Cainta, Philippines, on April 24, 2020 during the COVID-19 coronavirus pandemic.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Humihiling ngayon ng karagdagang ayuda ang mga manggagawa ngayong magpapatupad nang mas malawakan at mahihigpit na lockdown sa pagdami ng COVID-19 cases sa Pilipinas kaugnay ng mas nakahahawang Delta variant.

Biyernes ng umaga kasi nang ianunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na ilalagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto — dagdag sa ibang probinsya na ECQ din ngayon.

"Increased testing capacity, and surveillance of the Delta variant must be ensured. We also demand a clear plan of action for jobs that will be affected, especially those hardest hit by restriction of movement," ayon sa Kilusang Mayo Uno sa isang statement kanina.

"We demand an unconditional P5,000 cash aid to all affected families under ECQ."

Kahapon kasi, tanging P1,000 kada taong ayuda lang ang ipinangako ng Malacañang sa mga dati nang nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo City, Iloilo province, Cagayan de Oro at Gingoog City sa Misamis Oriental. Apat kada pamilya lang din ang bibigyan ng ayuda na 'yan sa nabanggit na mga lugar.

Inuutusan na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na maghanap ng karagdagang pondo para mabigyan ng ayuda ang residenteng maaapektuhan ng ECQ lockdowns simula susunod na linggo sa National Capital Region (NCR).

Kinumpirma naman na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos kanina na mamimigay ng cash aid ang gobyerno sa mga pamilya sa Metro Manila. Wala pang binabanggit eksakto kung magkano ito.

Sa ilalim ng ECQ, 100% ng mga residente ay kinakailangang nasa bahay lang para maiwasan ang hawaan ng COVID-19. Bawal ang pampublikong transportasyon at flights. Bawal ang pag-eehersiyo sa labas at papayagan lang ang paglabas tuwing may essential activities gaya ng pagbili ng pagkain at gamot.

Isa ang ECQ sa mga dahilan kung bakit milyun-milyon ang nawalan ng trabaho noong 2020 at 2021, lalo na't maraming establisyamento ang isasara at hindi hahayaang mag-operate.

'Lockdown hindi sapat vs COVID-19'

Sabi naman ng KMU, hindi sapat ang lockdowns gaya ng ECQ para sawatahin ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19 lalo na kung hindi nagpapatupad ng malawakang suporta sa public healthcare system.

"Restricting movement without the comprehensive ramping up of the medical approach and strengthening of the public healthcare system is just merely turning lockdown areas into cages of hunger and hardship," dagdag ng grupo.

"What we demand is a scientific approach that takes into account the people's health needs, the welfare of healthcare workers, and the livelihood and safety of the workers and the general public."

Hanggang sa ngayon, wala pa ring libreng COVID-19 mass testing na ipinatutupad sa Pilipinas. Aabot sa P4,500 hanggang P5,000 ang swab tests sa private laboratories at hospitals, habang hanggang P3,800 ito sa government facilities.

Huwebes lang nang ibalita ng Department of Health (DOH) na umabot sa 97 ang bagong tinamaan ng Delta variant sa Pilipinas, dahilan para sumipa na ito sa 216 lahat-lahat. Lubhang mas mabilis mapasa ang COVID-19 variant na ito kumpara sa iba.

Kabataan: Bakuna muna bago lockdown

"Mas napaghandaan pa sana ang mga bagong sumusulpot na variant. Pero wala nang ibang alam ang gobyerno kundi lockdown. Hindi pa rin sineseryoso ang testing, tracing, treatment at vaccination!" ani Raoul Manuel, Kabataan partylist national spokesperson.

"Unli-lockdown pero hindi kasama sa promo ang ayuda at bakuna? Hindi na natuto ang mga militaristang nagpapatakbo ng pandemic response: pulis at checkpoint pa rin ang nakikitang solusyon.

Malayong-malayo pa ang inaabot ng vaccination ng Pilipinas bago nito maabot ang "population protection" at herd immunity.

Sa kabila nito, Miyerkules lang nang sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nalampasan na ng gobyerno ang 500,000 target nito sa daily vaccinations, matapos itong umabot sa 659,029 jabs noong Martes.

Sa huling tala ng DOH, umabot na sa 1.57 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. 27,577 sa kanila ang patay na.

CASH AID COVID-19 VACCINES DELTA VARIANT ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE HARRY ROQUE KABATAAN PARTY-LIST KILUSANG MAYO UNO LOCKDOWN NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with