_ngayon
^

Bansa

97 bagong Delta variant, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
97 bagong Delta variant, natukoy
A police officer mans a checkpoint on Tabigo Street at Barangay Commonwealth in Quezon City on Thursday, July 29, 2021. The area is on lockdown after several residents were tested positive for COVID-19.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.

Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika pa.

Sa mga ROFs, dalawa ay mga tripulante ng MT Clyde at Barge Claudia na nakadaong sa Albay at apat ang mga crew naman ng MV Vega na kararating lang mula sa Indonesia.

Nasa 94 ang nakare­kober na habang tatlo ang nasawi. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para makakuha ng karagdagang mga impormasyon tulad ng kung sino ang mga nakasa-lamuha at ang kanilang ‘vaccination status’.

Samantala, nakapagtala naman ng 83 bagong kaso ng Alpha variant; 127 bagong kaso ng Beta variant; at 22 kaso ng P.3 variant.

COVID-19 VARIANT DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with