_ngayon
^

Bansa

Pagbabakuna bilisan - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna bilisan - Duterte
Members of the Manila Police District assist individuals waiting in line for their second dose of Moderna COVID-19 vaccine at the San Andres Sports Complex in Manila on Thursday, July 29, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna dahil nakakatakot ang Delta variant ng COVID-19 na apat na beses na mas agresibo at mas nakakahawa.

“Itong variant Delta is causing so much scary stories for us kaya kung sabi na four times more aggressive, more transmis-sibility is faster than the usual COVID-19, nakaka­takot nga,” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, ang pinakamabisang panlaban sa Delta variant ay ang mas mabilis na pagbabakuna sa mga mamamayan.

Umaasa rin si Duterte na patuloy na darating ang bakuna sa bansa.

Idinagdag niya na huwag nang hintayin ang nangyari sa Indonesia, Malaysia at Thailand kung saan marami na ang namatay at parang bumalik sa unang araw na nagkaroon ng pandemya.

Ipinaalala rin ni Du­terte na huwag magpaka­kampante ang mga kumpleto na ang bakuna dahil mas marami pa ang hindi nababakunahan.

At kung ayaw anya magpabakuna ng mga nasa listahan ng prayoridad ay ibigay na ang bakuna sa publiko.

COVID-19 VACCINE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with