_ngayon
^

Bansa

Pinas nasa ‘moderate risk’ uli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling itinaas ng Department of Health (DOH) ang klasipikasyon ng Pilipinas sa ‘moderate risk’ makaraan ang muling pagtaas ng mga kaso nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matapos ang ‘slowdown’ o pagbagal ng mga kaso, naobserbahang muli ang pagtaas ng mga kaso nitong kalagitnaan ng Hulyo dahilan para itaas ang klasipikasyon sa ‘moderate risk’.

Batay sa datos, ang two-week case growth rate ng bansa ay tumaas sa 1% mula Hulyo 11-24 mula sa dating -10% mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 10.

Tumaas din ang national average daily attack rate (ADAR) sa 4.95 cases per 100,000 population sa nakalipas na dalawang linggo o mula Hulyo 11-24. Mas mataas ito sa 1.88 cases per population noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 10.

Noong Hulyo 1, sinabi ng DOH na ang bansa ay nasa low risk classification matapos na makapagtala ng negative growth rate sa mga kaso at mas mababang ADAR.

Mula naman sa dating 5,576 daily average case noong Hulyo 15 hanggang 21, naging 6,029 na ang average ng mga naitatalang bagong kaso ng impeksiyon kada araw mula Hulyo 22-28.

Sa kabila nito, nananatiling nasa ‘safe zone o low risk’ ang healthcare utilization sa bansa na naitala sa 48.96%.

Sa Metro Manila, may 11 lungsod ang patuloy na nakakapagtala ng positive two-week case growth rate. Tinukoy na ‘high-risk areas’ mga lungsod ng Makati, Las Piñas, at Pasay dahil sa mataas na average daily attack rate (ADAR) at hospitalization rate.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with