_ngayon
^

Bansa

Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto
Marikina residents are seen inside the public market of the city on July 28, 2021. The Department of Health reports an increase in new COVID-19 infections following the detection of the local transmission of its Delta variant.
The STAR/Michael Varcas

Kung walang lockdown - OCTA

MANILA, Philippines — Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national go-vernment ng community quarantine restrictions.

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate sa Metro Manila ay maaa-ring umabot sa 100% pagsapit ng Agosto 15.

Ani Austriaco, sa san­daling magsimula ang surge ng Delta ay mabilis na itong dadami at kakalat.

Matatandaang hinihi­kayat ng grupo ang pamahalaan na agapan ang pagpapatupad ng “circuit-breaker lockdown” sa NCR upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 infections, na maaaring dulot anila ng mas nakakahawang Delta variant.

Gayunman, inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pa sa antas na kailangan ng lockdown ng rehiyon at kailangan pa itong ikonsulta sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Babala naman ng eksperto, maaaring ma-overwhelm ng high transmission rate ang contact tracing capacity ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya pa, mahirap magsagawa ng contact tracing kung ang mga tao ay madalas na magpalipat-lipat sa iba’t ibang lungsod.

Samantala, nanindigan din si OCTA Research Fellow Dr. Guido David na dapat nang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan sa lalong madaling panahon habang hindi pa nagkakaroon ng surge ang Delta variant cases.

Aniya, kung magpapatupad ng early circuit-breaker lockdown sa Agosto 1, maaaring kailanganin lamang ng isa o dalawang linggo upang makabawi at magkaroon ng epektibong kontrol sa pandemya ang pamahalaan.

Gayunman, ang late circuit-breaker aniya sa Agosto 16 ay maaaring magresulta sa high case loads na lampas sa 2,500 kada araw at maaaring mangailangan ng mas mahabang lockdown period.

Nagbabala rin ang gru­po ng mga eksperto na kung mananatili ang bansa sa status quo, maaaring makapagtala ng 2,000 bagong kaso kada araw sa NCR sa Agosto 10 o uma­ot sa 3,000 kada araw pagsapit ng Agosto 17.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with