_ngayon
^

Bansa

DOH sa independent experts: Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOH sa independent experts: Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation
Commuters walk along the sidewalk on EDSA, a major thoroughfare in Metro Manila, on Sunday, March 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo.

Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano matatawag ito na ‘surge’.  Base sa pagsusuri ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng 19% sa ‘two-week growth rates (TWGR)’ at ‘average daily attack rate (ADAR) sa anim na kaso kada 100,000 populasyon na nasa ‘moderate risk’ pa umano.

“Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, and Caloocan all have positive TWGR - a trend reversal from negative two-week growth rates 3-4 weeks ago. Additionally, Makati, Las Piñas, and Pasay have high risk ADAR,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa buong bansa, nananatiling mababa pa rin naman ang ‘utilization rate’ sa mga health care at intensive care sa mga pagamutan.

Muling nanawagan ang opisyal sa publiko na mahigpit na sumunod sa ‘minimum health standards’ dahil kung hindi ay malaki ang posibilidad na umakyat sa 11,000 kaso kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre dahil sa sinasabing 60% mas nakakahawa ang Delta variant.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with