_ngayon
^

Bansa

Hidilyn Diaz balik-Pinas na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn Diaz balik-Pinas na
Ang giant electronic billboard ng kauna-unahang Olym­pic Gold me­da­list na si Hidilyn Diaz na nasumpungan ng mga moto­ristang dumaraan sa north bound lane ng EDSA sa bahagi ng Mandalu-yong.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa pagsunod sa health and safety protocols ay naging simple at tahimik lang ang pagbabalik sa bansa ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.

Nakasuot ng kanyang Philippine Air Force (PAF) uniform, mabilis na nagtu-ngo si Diaz sa Presidential Lounge kung saan niya nakausap si Pangulong Rodrigo Duterte via virtual.

“Salamat naman sa pagtiis mo. I hope the years of disappointment and the years na hindi maganda ang nangyari, let’s forget them. You already have the gold,” ani Pangulong Duterte.

Nagbigay ang Pangu­lo ng bonus na P3 milyon kay Diaz bukod pa sa isang house and lot sa Zam­boanga City.

Nakasabay ni Diaz na dumating sa NAIA Ter­minal 2 sakay ng Philippine Airlines Flight 427 si skater Margielyn Didal na nagtapos sa No. 7 sa finals ng women’s street skate  event ng Tokyo Olympics.

Sa loob ng eroplano ay binigyan si Diaz ng PAL ng champagne at cake bilang dessert at pagdiriwang sa kanyang pag-angkin sa unang Olympic gold ng bansa.

Walang inihandang magarbong hero’s welcome ang Philippine Sports Commission (PSC) at Phi-lippine Olympic Committee (POC) para sa tubong Zamboanga City bilang pagsunod sa protocols.

Imbes na makapiling ang kanyang mga magulang na hindi niya nakasama ng isa at kalahating taon ay dumiretso si Diaz kasama ang kanyang support team sa Sofitel Hotel para sa mandatory seven-day quarantine. Papasok rin sa quarantine sina Chinese coach Gao Kaiwen at strength and conditioning coach Julius Naranjo.

Matapos ang kanyang quarantine ay makakauwi na si Diaz sa Zamboanga kung saan niya itutuloy ang pag-eensayo para sa paghahanda sa 31st Southeast Asian Games  sa Vietnam sa 2022.

Itinaas ng Armed For-ces of the Philippines (AFP) ang ranggo ni Diaz sa staff sergeant sa Air Force.

Nakatakda siyang gawaran ng Gold Medal of Valor ng PSC sa pangu-nguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Isang rebulto naman ni Diaz ang ipapatayo ng Local Government Unit ng Zamboanga City sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex bilang pagpupugay sa kanilang ‘anak’. — Malou Escudero

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with