_ngayon
^

Bansa

NCRPO nakaalerto vs mass gatherings

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
NCRPO nakaalerto vs mass gatherings
Devotees are assisted by members of the Hijos del Nazareno while reminding them of the strict compliance to health protocols as they wait in line to enter the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila for the first Friday of the month devotion Mass on July 2, 2021. Other members of the faithful settle to hear Mass at the Plaza Miranda as the church only accommodates 50% of its seating capacity to maintain social distancing inside the church.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Muling inalerto ni PNP Chief Gen. Guillermo Elea­zar ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa mga mass gathering sa gitna ng banta ng Delta variant.

Bunsod ito ng babala ng OCTA Research group na posibleng tumaas ang kaso ng COVID sa mga dumadalo sa mga pampublikong pagtitipon.

Ayon kay Eleazar, nakakadismaya lamang na sa paulit-ulit na panawagan at paalala marami pa rin ang mga nasisita dahil sa hindi pagsunod sa health protocols.

Dapat aniyang magkaroon ng tulong mula sa publiko dahil hindi nakikita ang kalaban. Nauuwi pa rin sa sitahan at arestuhan ang pagpapatupad ng mga minimum public health standards.

Dagdag pa ni Eleazar, hindi mapapagod ang mga pulis na manita ng mga pasaway dahil mas natatakot ang mga pulis sa hawaan ng virus.

Naghihintay lang aniya ang PNP sa magiging desisyon ng pamahalaan ukol sa inirekomendang “circuit breaker” o dalawang linggong lockdown sa Metro Manila, para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with