_ngayon
^

Bansa

‘Circuit-breaker’ lockdown sa Agosto pinaboran ng mga negosyante

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âCircuit-breakerâ lockdown sa Agosto pinaboran ng mga negosyante
Kids stroll on a bike at Marikina Riverbanks on July 11, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ilang mga negosyante ang pabor sa pagpapa-tupad ng lockdown sa susunod na buwan upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion, mas pabor ang mga negos­yante na gawin ang lockdown sa Agosto kaysa sa nalalabing apat buwan ng taon o “ber months” kung saan gumagastos na ang mga mamamayan bilang paghahanda sa Pasko.

Inaasahan din aniya na magsisimula na ang election spending sa buwan ng Setyembre, Oktubre Nobyembre at Disyembre.

Sinabi rin ni Concepcion na mas mabuting sa Agosto ipatupad ang “circuit-breaker lockdown” dahil nililimitahan ng mga negosyante ang paglalabas ng pera sa nasabing buwan dahil itinuturing itong “ghost month.”

“August is a ghost month. It is the weakest month for most of us so... The whole strategy is to hit it now if a lockdown is ine­vitable,” ani Concepcion.

Mas mabuti rin aniya na resolbahin ang problema ng mas maaga kaysa hintayin pang lumaki at saka magpapatupad ng lockdown.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with