_ngayon
^

Bansa

Mga panukala ni Bong Go bumida sa SONA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng ka­ga­lakan at lubos na pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa pag-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga panukalang batas sa Senado.

Sa kanyang ika-6 na SONA, binanggit ni Duterte ang panganga­ilangan na magkaroon na ng Department of Disaster Resilience.

Ang Senate Bill No. 205, na inihain ni Go ay layong lumikha ng Department of Disaster Resilience, na nakapokus sa pagtiyak ng proactive approach sa natural na kalamidad.

Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang magpapabilis sa lahat ng responsibilidad na may kinalaman sa disaster preparedness and response, functions na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang departamento at tanggapan ng gobyerno.

At para mapalawak at mapalakas ang kapabili-dad ng Bureau of Fire Protection sa pagtugon sa mga fire-related incidences, binigyang diin din ni Pangu­long Duterte ang panga­ngailangang maipasa na ang SBN 1832, mas kilala bilang Bureau of Fire Protection Modernization Act.

Iniakda at co-sponsored ni Go, ang SBN 1832 ay nagbibigay ng mandato sa BFP na ipatupad ang mo-dernization program, kinabi-bilangan ng upgrading at pagbili ng fire equipment, pagrerekrut ng mga bagong bumbero, pagdi-develop ng specialized training programs, pagsasagawa ng buwanang fire prevention campaigns, at marami pa.

Sa huli, idiniin ng Pa-ngulo ang kanyang pagsuporta sa enactment ng SBN 1228 na lilikha sa climate change resilient communities sa pamamagitan ng pagtatayo ng evacuation center sa bawat local go-vernment unit sa iba’t ibang panig ng bansa.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with