_ngayon
^

Bansa

Pagbabakuna sa Albay bibilis na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang Malacañang at Department of Health (DOH) sa mabilis nilang tugon sa nauna niyang pakiusap na dagdagan agad ang COVID-19 vaccines sa mga rehiyon, lalo na sa Bicol.

Sa liham na nilagdaan ni Health Undersecretary Myrna C. Cabotaje, nangako ang DOH na ipadadala nila agad sa Albay ang 187,982 ‘vaccine doses’ ngayong Hulyo. Sa natu-rang bilang, 108,292 ‘doses’ ang Sinovac; 50,600 ang Johnson & Johnson; at  29,090 ang AstraZeneca – “sapat para mabakunahan ang karagdagang 15% ng mga Albayano.”

Binigyang diin ni Salceda na dahil layuning matamo ang ‘herd immunity’ ngayong taon, “umaasa kaming tatanggap kami ng mga karagdagan pang mga bakuna sa darating na Agosto at Setyembre.”

Nauna rito, tiniyak ni Salceda sa Pangulo at sa Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa Covid-19 na sa distrito lamang niya, sapat ang pasilidad para pag-imbakan at maibaku-  na agad ang 190,200 doses ng Pfizer o 312,000 doses ng Moderna na parehong nangangailangan ng napa-kababang temperatura.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, umaasa siyang bibilis na ang pagbabakuna sa Albay batay sa pangako ng DOH.

Nauna nang nagma­kaawa si Salceda na “gawing patas” ang pagtatalaga ng bakuna sa mga rehiyon gaya ng Bicol at Bangsamoro sa Mindanao na “lubhang napag-iwanan na” sa programang pagbabakuna ng pamahalaan.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with