_ngayon
^

Bansa

'Nakukulangan': 47% ng Pinoy hindi kuntento sa pagdepensa ng bansa sa West Phl Sea — SWS

Philstar.com
'Nakukulangan': 47% ng Pinoy hindi kuntento sa pagdepensa ng bansa sa West Phl Sea â SWS
This April 13, 2021 photo released by the Philippine Coast Guard shows at least six Chinese vessels remain at Julian Felipe Reef in the West Philippine Sea.
Released/Philippine Coast Guard, File

MANILA, Philippines — Nakukulangan ang karamihan ng Pilipino pagdating sa paggigiit ng soberanyang karapatan nito sa West Philippine Sea, paglalahad ng Social Weather Stations (SWS) ngayong araw.

Ayon kay SWS president Mahar Mangahas, Miyerkules, ibinase nila ito sa isinagawa nilang survey sa buong Pilipinas nitong ika-23 hanggang ika-26 ng Hunyo.

Iprinesenta ito sa isang virtual town hall na pinangunahan ng Stratbase ADR Institute kanina.

Sa test statement na "The Philippine government is not doing enough to assert its rights on the country's territories in the West Philippine Sea as stipulated in the 2016 decision of the Permanent Court of Arbitration," lumalabas na ito ang mga opinyon ng mga tao:

  • sang-ayon (47%)
  • hindi sang-ayon (24%)

"Clear agreement in all areas," dagdag ng pag-aaral.

Taong 2016 nang panigan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas kontra Tsina pagdating sa West Philippine Sea, dahilan para ma-solidify ang claim ng Maynila dito bilang exclusive economic zone (EEZ).

Sa kabila nito, umabot sa 239 barko ng mga banyaga, na pinaghihinalaang mga Tsino, ang namataan sa EEZ ng Pilipinas nitong Hunyo, ayon sa US-based Simularity. Inookupa rin ng Beijing ang ilang shoal, isla at katubugan sa West Philippine Sea hanggang ngayon.

Kaya ba natin lumaban?

Gayunpaman, patuloy na nagmatigas si Pangulong Rodrigo Duterte nitong State of the Nation Address, Lunes, na hindi niya ito maipatutupad nang mahigpit, sa dahilang "walang kalaban-laban" ang Pilipinas oras na sumiklab ang gera sa karagatan kontra-Tsina.

"How can we fight China? Do we have the weapons? ... Now comes America. They said that [in the event that there is an] attack is against the Philippines, they will defend. But they issued a statement that America does not meddle in conflicts involving the boundaries of other nations," ani Digong sa kanyang talumpati kanina.

"And if America has to go to war, they would have to go to American Congress to get authority to go to war."

Tumitindig naman ang Vietnam at iba pang Southeast Asian nations laban sa Tsina pagdating sa agawaran ng teritoryo sa South China Sea. Wala pa namang ginegera sa kanila.

Pakikipag-alyansa sa ibang bansa

Para maprotektahan ang karapatan ng Pilipinas na maging bukod-tanging makinabang sa likas yaman ng West Philippine Sea, sang-ayon sa ngayon ang karamihan ng Pilipino na makipag-alyansa ang bansa sa iba pa upang makapagtayo ng malakas-lakas na depensa.

Narito ang pananaw diyan ng mga Pilipino, ayon din sa SWS survey:

  • sang-ayon (69%)
  • 'di sang-ayon (10%)

Dagdag pa ni Mangahas, malinaw na pumapabor ang opinyong publiko sa mas matapang na aksyon ng Pilipinas pagdating sa karapatan nito sa naturang dagat. Kamakailan lang nang sabihin ng Estados Unidos na handa silang dumepensa sa Pilipinas alinsunod sa Mutual Defense Treaty kung aatakihin ang bansa sa South China Sea. 

Gayunpaman, "positibo ngunit mahina" naman ang kanilang pananaw pagdating sa kasapatan ng pagtatanggol sa karapatan ng mga mangingisda, likas yaman at territorial rights sa West Philippine Sea.

Lunas lang nang sabihn ng PAMALAKAYA na mahina ang pag-assert ni Digong sa isyu, lalo na't iniuugnay niya raw ito agad sa armadong kompormtasyon laban sa Beijing.

"This worn-out narrative is Duterte’s excuse to justify his cowardice and deliberate neglect to uphold our national sovereignty and territorial rights," ayon sa mga militanteng mangingisda.

"Fishers and patriotic sectors have been saying this from the very start: nobody wants to have a war against China or any foreign countries. What we have been asserting since day one is a decisive assertion stemmed from a strong political will of our exclusive rights in our exclusive economic zone."

Dapat din daw kundinahin ang pagiging "traydor" at "enabler" ng Chinese aggression at pandaramnbong sa territorial waters. — James Relativo at may mga ulat mula kay Bella Perez-Rubio

CHINA PAMALAKAYA RODRIGO DUTERTE SOCIAL WEATHER STATIONS SONA 2021 WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with