_ngayon
^

Bansa

Duterte itinangging nagpa- ospital matapos ang SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte itinangging nagpa- ospital matapos ang SONA
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, matapos ang SONA ay kumain pa siya sa isang restaurant.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo, File

MANILA, Philippines — Itinanggi mismo ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na isinugod siya sa ospital pagtapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Pangulo, matapos ang SONA ay kumain pa siya sa isang restaurant.

Sa panayam ng dzBB, sinabi ni Duterte na maayos naman siya at hindi lang nagamit ang helicopter pabalik sa Malacañang dahil maulan kaya nag-by land siya.

Lumutang muli ang isyu sa kalusugan ng Pangulo matapos muntik na itong madulas sa loob ng session hall na agad namang naalalayan ng dalawa niyang security aides.

Agad namang nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi natapakan si Duterte kaya muntik ng mabuwal kundi “medyo nadulas” lamang.

Tiniyak din ni Roque na walang problema sa kalusugan ng Pangulo at natagalan lamang ito sa pakikipagkuwentuhan sa mga mambabatas.

Dakong alas-8:30 na ng gabi sila nakaalis sa Batasan Complex dahil natagalan ang pakikipag-bidahan ni Duterte sa mga senador at kongresista.

SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with