_ngayon
^

Bansa

3rd dose sa Sinovac vaccine posible – study

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3rd dose sa Sinovac vaccine posible â study
Sa mga partisipante na tumanggap ng 2 dose ng Sinovac na may 2-4 na linggong pagitan, nasa 16.9% at 35.2% lang sa kanila ang may natukoy na antibodies matapos ang anim na buwan.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Lumabas ngayon sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa China na bumababa ang nabuong antibodies buhat sa Sinovac COVID-19 vaccines sa loob ng anim na buwan kaya kinakailangan na magkaroon ng ikatlong iniksyon bilang ‘booster shot’.

Isinailalim sa pag-aaral ang ‘blood samples’ ng 50 malulusog na adults na may edad 18-59 taong gulang. Inilathala na sa China ang resulta ng pag-aaral ngunit hindi pa sumasai­lalim sa ‘peer review’.

Sa mga partisipante na tumanggap ng 2 dose ng Sinovac na may 2-4 na linggong pagitan, nasa 16.9% at 35.2% lang sa kanila ang may natukoy na antibodies matapos ang anim na buwan.

Hindi malinaw kung paano ang pagbaba ng antibodies ay makakaapekto sa bisa ng bakuna dahil sa hindi pa naman natutukoy ng mga siyentista ang lebel ng antibodies para malabanan ang coronavirus.

Nasa 540 partisipante ang binigyan ng ikatlong dose ng bakuna may anim na buwan makaraan ang ikalawang dose. Dito nakita ang pagtaas ng hanggang 5 beses ng bilang ng antibody matapos ang 28 na araw kumpara sa mga nabigyan lamang ng dalawang shot ng bakuna.

Nilinaw naman ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang rekomendasyon ang ‘vaccine expert panel’ para magbigay ng booster shot sa mga naturukan ng Sinovac.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with