_ngayon
^

Bansa

Publiko pinaiiwas sa pagkain sa labas, social gatherings

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Publiko pinaiiwas sa pagkain sa labas, social gatherings
Babala ni Prof. Ranjit Rye, mataas ang posibilidad na mahawahan ng virus kung kakain sa labas at dadalo sa mga maramihang pagtitipon, lalo na kung hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Pinaiiwas muna ng OCTA Research Group ang publiko sa pagkain sa labas at pagdalo sa mga social gatherings, kasunod na rin ng banta ng pagkalat ng Delta va­riant sa bansa.

Babala ni Prof. Ranjit Rye, mataas ang posibilidad na mahawahan ng virus kung kakain sa labas at dadalo sa mga maramihang pagtitipon, lalo na kung hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Pinayuhan din niya ang publiko na sa sandaling available na ang bakuna ay kaagad magpaturok upang maprotektahan sila laban sa virus.

Binigyang-diin ni Rye na ang pagpapabakuna ang long term solution sa problema sa COVID-19.

Sinabi naman ni Dr. Guido David na ang prevention ang susi upang makaiwas sa sakit nga­yong limitado pa ang suplay ng bakuna.

“We are in a race against the Delta variant. 20% of our population are fully vaccinated, and we need 40% to 50% fully vaccinated for population protection,” ayon kay David.

“We will not meet that population protection until around September or October before herd immunity by the end of the year,” ayon pa kay Guido.

Sa datos ng Department of Health, nakapagtala na ang Pilipinas ng 119 kaso ng Delta variant ngunit 12 na lamang sa mga ito ang aktibo.

Nakapagbakuna na rin ng 17.5 milyong doses kabilang ang 6.3 milyon na fully-vaccinated na.

Target ng gobyerno na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong Pinoy upang makamit ang herd immunity laban sa COVID.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with