_ngayon
^

Bansa

Spot promotion kay Hidilyn, giit sa AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigyan ng spot promotion si Captain Barbell, Sgt. Hidilyn Diaz!

Ito ang mariing mungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co matapos ang makasaysayang pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa Tokyo Summer Olympics.

Nakuha ni Diaz ang kauna-unahang medalyang ginto ng Pilipinas sa Olympics nang buhatin ang kabuuang 224 kgs mula sa 97kg snatch at 127kg clean and jerk para talunin ang world champion at record holder na si Liao Qiuyun ng China.

Sinang-ayunan naman ni 5th District Iloilo Rep. Raul “Boboy” Tupas, Chairman ng House Committee on National Defense and Security ang mungkahi ni Co.

“Bilang Chairman ng Committee on National Defense and Security, inirerekomenda ko kay   Lieute­nant General Allen  Paredes, na siyang Commanding General ng Philippine Air Force, at kay Armed Forces Chief of Staff General Cirilito Sobejana na iproseso agad ang spot promotion batay sa tagubilin ng AFP Promotion System,”pahayag ni Tupas na dating Army official.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with