_ngayon
^

Bansa

Bigyan ng kapital, mga may kasanayan sa negosyo - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat suportahan at bigyan ng kapital ng pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensiya ang mga kababayan nating may kasanayan sa pagnenegosyo upang mabigyan sila ng pagkakataong kumita para sa pamilya at magkaroon ng kontribusyon sa bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag sa isinagawang joint relief effort ng kanyang opisina, kasama ang DSWD at iba pang government agencies sa mga nawalan ng trabaho at aspiring business owners sa Ozamiz City, Misamis Occidental kamakalawa.

Hinimok ni Go ang mga ito na i-avail ang small and medium enterprise programs ng pamahalaan gaya ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD upang makatulong sila sa pagbuhay ng ekonomiya at masuportahan din ang kanilang mga pamilya.

Sa naturang event ay namigay ang grupo ni Go ng meals, vitamins, masks at face shields sa may 153 small business vendors sa Ozamiz City School of Arts and Trades sa Barangay Maningcol.

May mga binigyan din ng pares ng sapatos at bisikleta para may magamit sa kanilang paghahanapbuhay at computer tablet para sa kanilang mga anak na mag-aaral.

Nag-alok din si Go ng medical assistance sa mga benepisyaryong may medical concerns at hinimok sila na i-avail ang serbisyong ipinagkakaloob ng Malasakit Center sa Mayor Hilario A. Ramiro, Sr. Medical Center.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with