^

Bansa

Anti-endo bill, land reform 'di nabanggit sa 2021 SONA; mga sektor nanggalaiti

Philstar.com
Anti-endo bill, land reform 'di nabanggit sa 2021 SONA; mga sektor nanggalaiti
Hundreds of members of Anakpawis Party-list from Metro Manila, Central Luzon and Southern Tagalog, with "Digna" (effigy) march along Commonwealth Ave. for #DuterteWakasanNa SONA protest.
Released/Anakpawis party-list

MANILA, Philippines — Dismayado't nagpupuyos sa galit ang mga manggagawa't magsasaka matapos ang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte — wala raw kasing nabanggit patungkol sa primarya nilang hiling sa administrasyon.

Kahit sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque last week na "prayoridad" maipasa ang anti-endo bill, hindi inudyok ng presidente ang Konggreso na ipasa ito bilang priority legislation sa SONA kahapon.

Wala ring nabanggit ang pangulo pagpapaspas ng panukala pagdating sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, o land reform.

"Tatlong oras ang nasayang sa pakikinig sa Pangulong puro satsat. Walang matinong sinabi tungkol sa tugon sa pandemya, sa ayuda, sa pagwawakas ng ENDO," ani Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno, Martes, sa panayam ng Philstar.com.

"Ang ipinagmamalaki lang niya ay ang mga gera niya, na tanging mahihirap lang ang target. Wala na tayong mapapala, wakasan na, ENDOterte na!"

Bukod sa achievements ng administrasyon, karaniwang binabanggit ng pangulo tuwing SONA ang mga panukalang batas na gusto niyang maipasa agad ng Kamara at Senado.

Tumutukoy ang "endo" sa pariralang "end of contract," kung saan tinatanggal sa trabaho ang mga taong mareregular na sana. Kalakip din ng panukalang ito ang tuluyang pagbabasura ng kontraktwalisasyon, bagay na ligal pa sa ngayon.

Taong 2019 nang i-veto ni Digong ang Security of Tenure and End of Endo Act of 2018 o anti-endo bill matapos sabihing pinalalawig nito nang husto ang pinagbabawalang labor-only contracting, na sa huli'y nagbababawal sa kontraktwalisasyon.

Isa ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon sa mga naging pangako ni Digong bago umupo sa pwesto noong 2016.

'Walang binanggit, walang plano'

"By not saying anything about land reform in his SONA, he spelled out the Duterte regime’s achievement in distributing land to the tillers: absolutely nothing," paliwanag naman ni Antonio Flores, chairperson ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

"All the regime has to show for its implementation of land reform is heightened landlessness, widespread hunger, and poor working conditions for agricultural workers who have been victimized by corporate landgrabbing."

Ayon sa UMA, pangma-magic lang ng Palasyo pagdating sa land reform kuno ang inilabas na infographic ng President Communications Operations Office kamakailan.

Binanggit lang daw na 229,289 ektarya ng lupain ang naipamahagi na ng rehimen sa mga nagbubungkal ng lupa, ngunit hindi ipinaliliwanag na siyam sa 10 magsasaka ang walang sapat o sariling lupang tinatamnan.

 

 

"Duterte may have sweet-talked the nation into voting for him in 2016, but never again would Filipinos buy into his empty speeches," dagdag ni Flores.

"He had won on a platform that claimed to push for genuine agrarian reform, but spent all his years in office facilitating landgrabs and killing those who resisted. If Duterte were to enter Malacañang’s backdoor through the vice-presidency, corporate landgrabs would only intensify, pushing farmers and agricultural workers to strengthen the peasant movement." — James Relativo

CONTRACTUALIZATION

FARMERS

RODRIGO DUTERTE

SONA 2021

WORKER'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with