_ngayon
^

Bansa

Droga, korapsyon problema pa rin - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Droga, korapsyon problema pa rin - Duterte
Sinabi rin ni Duterte na noong sabihin niya na susugpuin ang ilegal na droga sa loob ng anim na buwan, ang inisip niya ay katulad lamang ito ng Davao.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na nananatili pa ring problema ang ilegal na droga at korapsyon kahit pa nagpatupad na ng mga reporma sa gobyerno.

“While we were busy instituting reforms bet­ween ogres of illegal drugs and corruption laid low for a while only to resurface as still with us and make no mistake about it,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na noong sabihin niya na susugpuin ang ilegal na droga sa loob ng anim na buwan, ang inisip niya ay katulad lamang ito ng Davao.

“When I first said I will fight drugs in six months, I thought it was like in Davao. You can either coerce, intimidate or bribe them or give them money, I said, ‘Lumabas kayo ng Davao, doon kayo magkalat sa Luzon, ‘wag dito sa Davao…Naniwala naman ang mga ul*l,” ani Duterte.

Masakit anya sa loob na mismong kanyang gobyerno ang nilalaba­nan niya dahil nangyayari ang importasyon ng droga sa Customs.

“Kaya ‘yan ang masakit sa loob ko. I did not know that I was fighting my own government. Customs and everyone else were facilitating the importation of drugs. And one importation, as you can see it every night on TV, the police now seize about almost a billion worth of drugs everyday,” ani Duterte.

Samantala, sinabi ni Duterte na may mga taong nakasuhan dahil sa korapsyon at ang iba sa kanila ay nabilanggo dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa statement of assets and liabilities.

Libu-libo rin aniya ang naaresto araw-araw dahil sa ilegal na droga at hanggang ngayon ay narito pa rin ang mga ito at nag i-import ng ilegal na droga.

“And if you look at the [8888], there are about a thousand Filipinos arrested everyday by the police in connection with drug trafficking. And that is why I go crazy looking at the situation. They are still around. We do not have the laboratories now because nawala na sila at itong naiwan ngayon are doing the importation,” ani Duterte.

 

SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with