_ngayon
^

Bansa

Lockdown inilutang ni Duterte ‘pag lumubha ang sitwasyon sa Delta variant

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lockdown inilutang ni Duterte âpag lumubha ang sitwasyon sa Delta variant
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling SONA kahapon.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inilutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na magpatupad ng lockdown katulad noong mga unang araw nang magkaroon ng kaso ng COVID-19 kung lulubha ang sitwasyon dahil sa Delta variant.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), binanggit ng Pangulo na umaasa siyang hindi na lulubha ang kaso ng Delta variant dahil kung mangyayari ito ay kailangan niyang maging istrikto.

“I hope it will not go any farther. But if something wrong happens, I have to be strict. You have my word that it will be just like what happened in the early days,” ani Duterte.

Bagaman at una rito, binanggit ng Pangulo na hindi na kakayanin ng bansa ang mga lockdowns.

Pero muling binanggit ng Pangulo na masyadong agresibo at delikado ang Delta variant na mataas ang kaso sa Indonesia at Thailand.

“This is rampaging now in Indonesia, Thailand, and many parts of Asia. Sabi, this is far more aggressive and far more dangerous,” ani Duterte.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga mamamayan na magpabakuna na dahil marami pang bakuna ang darating linggo-linggo.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga medical at economic frontliners at pribadong sektor dahil sa kanilang patuloy na serbisyo ngayong may pandemya.

Hinikayat ng Pangulp ang Kongreso na magpasa ng batas upang magkaroon ng sariling Center for Disease and Control at isang virology institute upang makagawa ng sariling bakuna ang bansa.

 

SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with