_ngayon
^

Bansa

COVID-19 tumataas sa Metro Manila, 5 pang lugar - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 tumataas sa Metro Manila, 5 pang lugar - DOH
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Northern Mindanao, na mula sa pagkakaroon ng negatibo, ay nakapagtala na ngayon ng positive two-week case growth rate.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Anim na rehiyon sa bansa ang binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) matapos makitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Northern Mindanao, na mula sa pagkakaroon ng negatibo, ay nakapagtala na ngayon ng positive two-week case growth rate.

Aniya, ang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.009, 0.95 sa Cagayan Valley, 1.12 sa Central Luzon, 0.98 sa Calabarzon, 1 sa Central Visayas, at 0.91 sa Northern Mindanao.

Ang reproduction number, o ang bilang ng mga taong naihahawa ng isang pasyente ng sakit, na nasa 1 o mas mataas pa, ay indikasyon nang pagkakaroon ng sustained COVID-19 transmission.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na ang mga rehiyon ng Cordillera, na may reproduction rate na 0.96,  at Ilocos, na may 1.09, ay nakakapagtala rin ng positive two-week case growth rate sa loob ng anim na linggo na.

Ang Northern Mindanao, na may reproduction rate na 0.91, at Davao region na may 0.95, ay masusi ring minu-monitor dahil sa kanilang mataas na ICU utilization rate.

Bukod pa rito ang 26 na lalawigan na nakapagtala ng mataas na average daily attack rate (ADAR) at low hanggang moderate-risk two-week case growth rate.

Hindi tinukoy ni Vergeire kung anu-anong lalawigan ang mga ito.

Kinumpirma naman ni Vergeire na ang mga kaso ng sakit sa buong bansa ay tumaas ng 1% mula Hulyo 11-24, kumpara sa mga kaso noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 10, at ang reproduction number ay nasa 1.0059.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa ito matatawag na surge sa ngayon.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with