_ngayon
^

Bansa

Higit 200K katao apektado ng Habagat

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Higit 200K katao apektado ng Habagat
Ang mga apektadong indibiduwal ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa 202,213 katao o 50,676 pamilya sa anim na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Habagat o southwest monsoon na nagdulot ng mga pag-ulan.

Ang mga apektadong indibiduwal ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region.

Nasa 38,472 katao o 10,242 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 33,767 o 7,374 pamilya ang nakasilong sa gilid ng mga evacuation centers.

Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 480 barangays ang naapektuhan ng Habagat dahil sa bagyong Fabian.

Aabot sa 244 barangay ang binaha, apat ang  insidente sa dagat, tatlong insidente ng storm surge,  landslide, rockslide, sinkhole, at mudflow. Sanhi nito, 13 kalsada at tulay ang hindi nadaan.

Tinatayang mahigit sa P100 milyon ang agrikultura na nawasak, P2.4 milyon sa imprastraktura habang 143 bahay ang nasira.

HABAGAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with